| mga ibang wika |
| 7 Panimulang Hakbang Para sa Matagumpay na Pag-aayuno at Panalangin | Paano Sisimulan ang Iyong Pag-aayuno |
| Ang pagsisimula at pagwawakas ng iyong ayuno ay ang
siyang malaking batayan ng iyong tagumpay. Sa pagsunod sa sumusunod na pitong panimulang
hakbang sa pag-aayuno, magiging makahulugan at mabunga ang iyong panahon kasama ng
Panginoon. Hakbang # 1: Magtakda ng Layunin Bakit ka nag-aayuno? Ito bay para sa panibagong siglang espirtuwal, paggabay, paggaling ng maysakit, solusyon sa ilang problema, natatanging biyaya para sa isang mahirap na sitwasyon? Hilingin sa Banal Na Espiritu na liwanagin ang Kaniyang paggabay at layunin para sa iyong mapanalanging pag-aayuno. Sa pamamagitan ng pag-aayuno at panalangin ay nagpapakumbaba tayo sa harapan ng Diyos na naway bagabagin ng Banal na Espiritu ang ating mga kaluluwa, gisingin ang ating mga simbahan, at pagalingin ang ating lupain ayon sa 2 Chronico 7:14. Unahin ito sa iyong pag-aayuno. Hakbang # 2: Gumawa ng Paghahabilin Hilingin ang uri ng pag-aayuno na nais mong gawin. Sinabi ni Jesus na ang lahat ng Kaniyang mga tagasunod ay dapat mag-ayuno (Mateo 6:16-18; 9: 14, 15). Para sa Kaniya ang pinag-uusapan ay kung kailan sila dapat mag-ayuno, hindi kung dapat silang mag-ayuno. Bago mag-ayuno, siguruhin ang mga sumusunod:
Ang paggawa ng mga paghahabiling ito bago magsimula ay makatutulong sa iyong makatagal sa pag-aayuno kapag ang mga pisikal na tukso at dalahin sa buhay ay maging dahilan upang iwanan mo ito. Hakbang # 3: Ihanda ang iyong espirituwal na sarili Ang pinaka basehan ng pag-aayuno at panalangin ay pagsisisi. Magiging hadlang sa iyong mga panalangin ang anumang hindi naipahayag na kasalanan. Narito ang ilang mga bagay na maaari mong gawin upang ihanda ang iyong puso:
Hakbang # 4: Ihanda ang Pisikal na Sarili Kailangan sa pag-aayuno ang ilang paalaala. Sumangguni muna sa iyong manggagamot, lalo na kung ikaw ay may iniinom na gamot o may matagal ng karamdaman. May ilang mga taong hindi dapat mag-ayuno ng walang superbisyon. Ang pisikal na paghahanda ay pinadadali ang biglaang pagbabago sa iyong pagkain upang maibigay mo nang lubusan sa Panginoon ang iyong atensiyon.
[7 Panimulang Hakbang Sa Pag-aayuno at Panalangin | Susunod na Pahina ] |
| Jesu Cristo | Ang Pelikulang Jesus | Ang Apat na Tuntunin | Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu | Mga Oportunidad | Mga Makatutulong na Impormasyon |
© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ
07/11/06