Tagalog sa Web mga ibang wika
7 Panimulang Hakbang Para sa Matagumpay na Pag-aayuno at Panalangin Pagtatapos ng Ayuno
Matapos ang ayuno, makakakain nang muli. Ngunit kung paano mo tinatapos ang pag-aayuno ay lubhang mahalaga para sa iyong kalusugang pisikal at espirituwal.

Hakbang # 6: Tapusin ang ayuno nang dahan-dahan

Simulan ang pagkain ng unti-unti. Huwag kumain agad ng pagkaing buo. Ang pagkain ng buo ay maaaring magdulot ng di-mabuting reaksiyon sa tiyan. Subukin ang pagkain ng unti-unti o meryenda araw-araw.

Sa ganito, maaasahan ang pagpapatuloy ng pagkakaroon ng mabuting kalusugan.

- Tapusin ang ayuno sa pamamagitan ng pagkain o pag-inom ng katas ng pakwan.

- Habang umiinom ng katas ng prutas o gulay, idagdag ang sumusunod:


Unang araw: Magdagdag ng sariwang salad
Pangalawang Araw: Magdagdag ng nilagang patatas, walang mantikilya o pampalasa
Pangatlong Araw: Magdagdag ng pinausukang gulay
Susunod: Kumain nang dati mong pagkain.

Simulan ang paunti-unting meryenda sa unang mga araw. Uminom ng kaunting sabaw at sariwang prutas gaya ng pakwan o milon. Sundan ng ilang kutsarang unti-unting buong pagkain gaya ng sariwang prutas at gulay o salad at hinurnong patatas.


[Nakaraang Pahina | 7 Panimulang Hakbang Sa Pag-aayuno at Panalangin | Susunod na Pahina ]

Jesu Cristo

Sino si Jesus?

Ang Pelikulang Jesus Ang Apat na Tuntunin Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu Mga Oportunidad Mga Makatutulong na Impormasyon

© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ

03/19/01