Tagalog sa Web mga ibang wika
7 Panimulang Hakbang Para sa Matagumpay na Pag-aayuno at Panalangin Habang Ikaw ay Nag-aayuno
Ang oras ng iyong pag-aayuno at panalangin ay dumating na. Ikaw ay di kumakain ng buong pagkain at nagsisimulang makipagniig sa Diyos. Narito ang ilang makatutulong na mungkahi:
  • Iwasan ang gamot, kahit na ang galing sa halaman at remedyong pangtahanan. Ang kasalukuyang paggagamot naman ay alisin lamang matapos makuha ang pahintulot ng mangagamot.
  • Limitahan ang paggawa.
  • Mag-ehersisiyo ng tama lamang. Maglakad ng may isa sa tatlong milya isang araw kung kaya at kumportable.
  • Magpahinga kung may panahon.
  • Ihanda ang iyong sarili sa panandaliang di-mawaring pakiramdam, tulad ng kawalan ng pasensiya, pagkayamot, at pagkabalisa.
  • Asahan ang ilang di-magandang pakiramdam na pisikal, lalo na sa pangalawang araw. May minsanang pagkagutom, pananakit, pagkahilo ang mararamdaman din. Ang pag-iwas sa "caffeine" at asukal ay maaaring magdulot ng pananakit ng ulo. Magkakaroon din ng panghihina, pagkapagod, o kawalan ng tulog.

Ang unang dalawa o tatlong araw ay madalas na pinakamahirap. Habang ikaw ay nagpapatuloy na mag-ayuno ay makararanas ka ng mabuting pakiramdam na pisikal at espirituwal . Ngunit kung makararamdam ka ng pagkagutom, dagdagan ang inumin.

Hakbang # 5: Magkaroon ng Iskedyul

Para sa pinakamainam na resultang espirituwal, maglaan ng tanging oras para sa Panginoon lamang. Pakinggan ang Kaniyang paggabay. Mas magiging makahulugan ang iyong pag-aayuno kung mas maraming oras ang ilalaan mo para sa Kaniya.

Umaga

- Simulan ang araw sa pagpuri at pagsamba.

- Basahin at magmuni-muni sa Salita ng Diyos, kung maaari ay nakaluhod.

-Anyayahan ang Banal Na Espiritu na gumawa sa iyo nang naaayon sa Kaniyang mabuting kalooban ayon sa Filipos 2:13

- Anyayahan ang Diyos na gamitin ka. Hingin na Kaniyang ipakita sa iyo kung paano mo maaabot ang iyong pamilya, simbahan, kabayanan, bansa, at iba pa para sa Kaniya.

- Hilingin ang Kaniyang pangitain (vision) para sa iyong buhay at ang kalakasang gawin ang Kaniyang kalooban.

Tanghali

- Bumalik sa panalangin at Salita ng Diyos.

- Maglakad habang nananalangin.

- Maglaan ng oras na manalangin para sa kabayanan at pambansang mga lider, para sa milyun-milyong  mga tao na  wala pa kay Kristo, at para sa iyong pamilya o mga natatanging pangangailangan.

Gabi

- Mag-isang huwag madaliing "Hanapin ang Kaniyang mukha."

- Kung may mga kasamang nag-aayuno, magkakasamang manalangin.

- Iwasan ang telebisyon o anumang makaaabala.

Kung maaari, simulan ang bawat araw kasama ang iyong asawang sumamba at magpuri sa Diyos. Ang matagal na pakikipagniig sa Diyos sa panalangin at sa Kaniyang Salita ay mainam na gawing mag-isa.

Ang  regular na pagkain ay mahalaga rin. Iminumungkahi ni Dr. Julio C. Ruibal, isang dalubhasa sa nutrisyon, pastor, at espesiyalista sa pag-aayuno at panalangin, ang isang pang araw-araw na iskedyul at talaan ng mga katas ng prutas na mainam sa inyong katawan habang nag-aayuno. Makatutulong na iangkop ang pagkain at inumin na naaayon sa iyong panlasa at sitwasyon.

Ika 5:00 - 8:00 ng umaga

Katas ng prutas, na kung maaari ay hinaluan ng 50% malinis na tubig kung ang prutas ay maasim. Maraming gusto ang mansanas, peras, ubas, papaya, pakwan, at iba pang katas ng prutas. Kung hindi makagagawa ng katas, bumili ng fruit juice na walang anumang halo kahit na asukal.

Ika 10:30 - 12:00 ng tanghali

Sariwang katas ng gulay galing sa letsugas, seleri, at karot sa tatlong magkakaparehong bahagi.

2:30 - 4:00 ng hapon

Natural na tsaa na may kaunting pulot-pukyutan o "honey". Iwasan ang itim na tsaa o tsaang may "caffeine."

6:00 - 8:30 ng gabi

Sabaw na galing sa nilagang patatas, seleri, at karot, na walang asin. Matapos mapakuluan ng may kalahating oras, isalin ang tubig sa isang lalagyan at inumin.

Mga Tulong Sa Pag-aayuno na May Inuming Katas

  • Ang pag-inom ng may katas ng prutas ay magbabawas ng pagkagutom at magbibigay lakas. Ang lasa ay nakapagbibigay sigla para makapagpatuloy sa pag-aayuno.
  • Ang pinakamabuting katas ay galing sa sariwang melon, limon, ubas, mansanas , kalabasa, karot, seleri, o madahong berdeng gulay. Kung malamig ang panahon lubhang nakasisiya ang mainit na sabaw ng gulay.
  • Haluan ng tubig ang maasim na katas ng naranghita at kamatis para mas mainam sa tiyan.
  • Iwasan ang inuming may "caffeine."
  • At iwasan ang "bubble gum" o anumang pampabango ng hininga. Nakagugutom ito.

[ Nakaraang Pahina| 7 Panimulang Hakbang Sa Pag-aayuno at Panalangin | Susunod na Pahina ]

Jesu Cristo

Sino si Jesus?

Ang Pelikulang Jesus Ang Apat na Tuntunin Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu Mga Oportunidad Mga Makatutulong na Impormasyon

© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ

03/19/01