Tagalog sa Web mga ibang wika
Isang Mensahe Mula kay Dr. Bill Bright 7 Panimulang Hakbang Para Sa Matagumpay na Pag-aayuno at Panalangin
Paano Sisimulan ang Iyong Ayuno
Habang Nag-aayuno
Pagtatapos ng Iyong Ayuno
Isang Pangwakas na Pananalita
Paano Makararanas at Mapananatili ang Personal na Panibagong Siglang Espirituwal
Anim na Mahahalagang Tanong Tungkol Sa Panalangin

Ako’y naniniwala na ang kapangyarihan ng pag-aayuno kaugnay ng panalangin ay ang espirituwal na lakas-atomika na ipinagkaloob sa atin ng ating Panginoon upang buwagin ang mga malakas na pinanghahawakan ng kasamaan at magsugo ng bagong sigla at espirituwal na pag-aani sa buong mundo.

Ako’y patuloy na nanlulumo sa lumalaking pangangailangang manawagan sa Diyos na magsugo ng bagong siglang espirituwal sa ating pinakamamahal na bansa. Noong 1994, nagkaroon ako ng katiyakan na nais ng Diyos na  ako’y mag-ayuno at manalangin ng apatnapung araw para sa bagong siglang espituwal sa Amerika at pagtupad sa Dakilang Gawaing iniutos ng ating Panginoon.

Nang una ay itinanong ko, "Ako nga ba’y tinatawag ng Diyos para dito?". Ang apatnapung araw ay mahabang panahon para huwag kumain. Subalit habang dumadaan ang bawat araw, ang Kaniyang tawag ay lumalakas at lumilinaw. Sa bandang huli’y natiyak kong nais nga ng Diyos na ako’y mag-ayuno, at hindi niya ako tatawagin sa ganito kung walang dahilan. Dahil dito sinimulan ko ang pag-aayuno ng may kasabikan sa aking puso habang idinadalangin, "Ano, Panginoon, ang nais mong gawin ko?"

Ako’y naniniwala na ang mahabang pag-aayuno ay dakilang tawag ng Diyos dahilan sa kalakihan ng kasalanan ng bansang Amerika at ng Simbahan. Idinambana ang katotohanang ito sa puso ko ng Panginoon ganon din ang pagpapabilis ng pagpatupad ng Dakilang Gawain sa panahong ito.

Habang inuumpisahan ko ang pag-aayuno, hindi ko tiyak na makapagpapatuloy ako ng apatnapung araw. Ngunit ang aking katiyakan ay nasa pagtulong ng Panginoon. Bawat araw ay pinalakas Niya ang loob ko upang magpatuloy. Habang tumatagal ang aking pag-aayuno ay lalo kong nadarama ang presensiya ng Panginoon. Binigyang sigla ang aking loob ng Banal Na Espiritu, at naranasan ko ang walang katulad na katuwaan ng Panginoon. Naging tunay na maliwanag ang mga katotohanan sa Kaniyang Salita. Tunay na lumakas ang aking pananampalataya nang ako’y magpakumbaba at tumawag sa Diyos at nagalak sa Kaniyang presensiya.

Ito nga ang pinakamahalagang apatnapung araw sa buong buhay ko. Habang ako’y naghihintay sa Panginoon, ang Banal Na Espiritu ay nagbigay katiyakan sa akin na ang Amerika at ang iba pang bahagi ng daigdig ay makararanas ng bagong espirituwal na kasiglahan bago matapos ang taong 2000. Ang pagbisitang ito ng Panginoon ay magbibigay alab sa pinakadakilang espirituwal na pag-aani sa kasaysayan ng Simbahan. Ngunit bago Niya gawin ito, tatawagin ng Banal Na Espiritu ang maraming tao upang magsisi, mag-ayuno, at manalangin ayon sa 2 Chronica 7:14

" Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang mga kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain."

Ang laki ng panibagong siglang ito ay nasasalalay kung paanong ang mga mananampalataya sa Amerika at sa ibang dako ng daigdig ay makisama dito. Sa loob ng limampung taong pag-aaral ko ng Salita ng Diyos ay wala nang kasing liwanag ang Kaniyang mensahe.

Ang maliit na tukuyang ito , Pitong Panimulang Hakbang Para sa Matagumpay na Pag-Aayuno at Panalangin, ay makatutulong sa natatanging panahon ng pakikipagniig mo sa Panginoon. Iminumungkahi kong isama mo ito sa iyong pag-aayuno at tingnang madalas sapagkat nagbibigay ito ng madadaling paraan kung paanong sisimulan ang iyong pag-aayuno, anong gagawin habang nag-aayuno, at paanong wakasan nang maayos ang iyong pag-aayuno.

Sa apatnapung araw kong pag-aayuno, ipinadama sa akin ng Diyos na idalangin ang dalawang milyong Kristiyano sa Hilagang Amerika ang mag-ayuno bago matapos ang taong 2000, at idalangin ang pambansa at pandaigdigang panibagong sigla at para sa katuparan ng Dakilang Gawain. Ipinahihinuhod ko sa inyo na pag-isipan ang hamong ito.

Bago ka mag-ayuno, iminumungkahi ko ang pagbasa ng aking aklat, Ang Darating na Panibagong Siglang Espirituwal: Ang Panawagan sa Amerikang Mag-Ayuno, Manalangin, at "Hanapin ang Mukha ng Diyos" (The Coming Revival: America's Call To Fast, Pray, and "Seek God's Face"). Tutulungan ka nitong maghanda para sa darating na bagong espirituwal na pagkamulat.

Kung nais umorder ng materyal na ito, sumulat sa Philippine Campus Crusade for Christ P.O. Box 458 Manila 1099.


[Susunod na Pahina]

Jesu Cristo

Sino si Jesus?

Ang Pelikulang Jesus Ang Apat na Tuntunin Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu Mga Oportunidad Mga Makatutulong na Impormasyon

© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ| webmaster@greatcom.org

07/11/06