| mga ibang wika |
| Mga Maililipat na Paniniwala ni Dr. Bill Bright | Paano Ka Makararanas ng Pag-Ibig at Pagpapatawad ng Diyos |
| Ang
Pagpapatawad Na Kaloob ng Diyos Ang Pinakadakilang Kaugnayang Iyong Mararanasan Paglipat Mula Sa Di Mabungang Buhay Malaya Kang Makapamumuhay Sa Espiritu Paano Tanggapin Ang Pag-Ibig At Pagpapatawad Ng Diyos Isang Pormulang Espirituwal Pansariling Gabay Sa Pag-aaral Mga Katanungang Pang-Grupo Mga Gamit sa Paglago Ang Pagpapatawad Na Kaloob Ng Diyos Nahihirapan ka bang maniwalang pinatawad ka na ni JesuCristo? Maaaring naniniwala ka sa isip, ngunit ganoon din ba sa iyong puso? Magkunwaring kabilang ka sa mga taong nasa kuwentong ito ni Lucas: Lucas 5:18-22 , 24
Anong kahanga-hangang pagpapakita ng malayang pagpapatawad ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ang nagsasabi na sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo sa krus ay pinalaya na tayo ng Diyos- sa ating mga kasalanan at mula sa Utos (Law). Marahil ay nahihirapan kang paniwalaan sa iyong puso na ang iyong kasalanan ay nabayaran na. Marahil ay iyong iniisip, "Lubhang napakarumi ng aking pag-iisip tungkol sa kapuwa ko." O kayay, "Ginagamit ko ang pangalan ng Diyos sa di-tamang paraan. Mapatatawad Niya kaya ako? Ang totoo niyan ay napatawad ka na Niya. Kailangan lamang ay angkinin mo ang Kaniyang kapatawaran at paniwalaan ang Kaniyang pangako. At anong pangako ito?
Ito ang kapatawaran ng Diyos. At isipin ito! Magiging iyo ito sa sandaling paniwalaan mo si Jesus bilang Tagapagligtas at tanggapin Siya sa iyong buhay bilang Panginoon. [Paano Ka Makararanas ng Pag-Ibig at Pagpapatawad ng Diyos // Susunod na Pahina] |
| Jesu Cristo | Ang Pelikulang Jesus | Ang Apat na Tuntunin | Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu | Mga Oportunidad | Mga Makatutulong na Impormasyon |
© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ
07/11/06