Tagalog sa Web mga ibang wika
Mga Maililipat na Paninwala ni Dr. Bill Bright Paano Ka Makararanas ng Pag-Ibig at Pagpapatawad ng Diyos

Mga Katanungang Pang - Grupo


  1. Ang pagpapatawad ba ng Diyos ay nagaganap din sa ibang relihiyon ng mundo?
  2. Ang salitang "ihayag" ay nangangahulugan din ng "umayon". Ang ibig sabihin ay "umaayon ako na ang ginawa ko ay mali.. Ako nga’y nagkasala." Gaano ang dapat mong gawing pagpapahayag (buo o bahagi ng pangyayari) kapag umaayon ka tungkol sa iyong mga kasalanaan?
  3. Kanino ka nagpapahayag ng kasalanan: sa buong simbahan, sa iyong mga kapitbahay (o kasama), sa tao lamang na iyong ginawan ng mali?
  4. Halimbawa’y ipinaalaala sa iyo ng Diyos na noong nakaraang taon ay kinuha mo o ginamit ang bahagi ng pera ng iyong pinaglilingkuran at hindi mo ito ibinalik. Inihayag mo ito sa Diyos. Ang iyong pinaglilingkuran ay hindi Kristiyano at hindi nito nais na kausapin mo siya tungkol sa Diyos. Hindi niya alam ang ginawa mong pagkuha. Ano ang dapat mong gawin? (Tingnan ang Marcos 11:25, Mateo 5: 23, 24).
  5. May naaalala ka bang mga panahon sa iyong buhay nang ayaw mong pagsisihan at ihayag ang iyong kasalanan matapos ipakita ito sa iyo ng Diyos? Anong nangyari sa buhay mo dahil dito? Anong nangyari sa buhay mo sa labas at loob ng pamilya?
  6. Talakayin kung ano ang maaaring mangyari kung hindi mo ihahayag ang iyong mga kasalanan. Mawawala ba ang iyong kaligtasan? Kailangan bang paniwalaan at tanggaping muli si JesuCristo bilang iyong Tagapagligtas? (Tingnan ang Juan 10:27-29).
  7. Paano kung magawa mong muli ang dating kasalanan? Kailangan bang ihayag itong muli? Bakit ipinagpapatuloy mo ang masamang gawang ito matapos mo itong ihayag? Kung ipahahayag mo ang kasalanan ng makailang ulit, nangangahulugan ba itong hindi ka ligtas?

[Nakaraang Pahina // Paano Ka Makararanas ng Pag-Ibig at Pagpapatawad ng Diyos // Susunod na Pahina]

Jesu Cristo

Sino si Jesus?

Ang Pelikulang Jesus Ang Apat na Tuntunin Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu Mga Oportunidad Mga Makatutulong na Impormasyon

© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ

03/19/01