Tagalog sa Web mga ibang wika
Sino, sa iyong palagay, ang pinakatatanging tao sa lahat ng panahon?
Si Jesus at ang Intelektuwal
Si Jesus - Tao, Alamat o Diyos
Si Jesus ay Nagpapatawad ng Kasalanan
Si Jesus ay Nagbibigay ng Layunin sa Buhay
Si Jesus ay Nagbibigay ng Kapayapaan
Si Jesus ay Nagbibigay Kapangyarihang Mamuhay
Isang Plano Para sa Iyong Buhay - Ang 4 na Espirituwal na Tuntunin

Naitanong ko na ito sa mga taong kasapi ng maraming mga relihiyon, kahit na yaong mga di-naniniwalang may Diyos at mga komunista sa buong daigdig. Ang kanilang sagot ay iisa lamang: "Si Jesus ng Nasaret."

Naalala ko ang sagot ng isang radikal na mag-aaral ng University of California sa Berkeley. Dito sa pamantasang ito nagsimula ang magulong pag-aalsa ng mga mag-aaral noong mga taong 1960. Sa loob ng isang linggo ay anim na raang "staff" at mag-aaral na kasapi ng Campus Crusade for Christ ang personal na nagpahayag ng mga pag-angkin ni Kristo sa maliliit at malalaking pagpupulong ng may mahigit na 23,000 na mag-aaral. Libo-libo ang nagpahayag ng pagnanais na tumanggap at sumunod kay Kristo bilang Tagapagligtas at Panginoon.

Maaga pa nang linggong iyon ay kinapanayam ko ang kinikilalang lider ng pag-aalsa. Siya ay isinilang sa isang di-Kristiyanong relihiyon at isang debotong di-naniniwalang may Diyos at Komunista at tahasang humihingi ng marahas na pagpapabagsak ng pamahalaan. Tinanong ko siya, "Sino ang pinakadakilang taong nabuhay? Sino sa buong kasaysayan ang nakagawa ng pinakamaraming kabutihan para sa sangkatauhan?"

Isang di nais na katahimikan ang sumunod at pagkatapos ay ang atubiling sagot, "Masasabi kong si Jesus ng Nasaret."

Ang mga taong kasapi ng anumang relihiyon, kapag alam nila ang katotohanan, ay kinikilalang si Jesucristo ang siyang natatanging tao ng lahat ng panahon. Siya ang nakapagpabago ng takbo ng kasaysayan. Ang kasaysayan ay KANIYANG KASAYSAYAN. Alisin si Jesus ng Nasaret sa kasaysayan at ito’y magiging kaibang kasaysayan. Tingnan mo na lamang ang petsa ng kalendaryo. Ito’y nagpapatunay na si Jesus ng Nasaret ay nabuhay sa daigdig. Ang B.C. ay nangangahulugan ng "Bago si Cristo," at A.D., anno Domini, ay pariralang Latin na nangangahulugang "sa taon ng ating Panginoon."

Walang taong nagkaroon ng impluwensiya sa paggawa ng kabutihan kundi si Jesucristo. Saan man dako na ang Kaniyang mensahe ay tinanggap, malalaking pagbabago ang nagaganap sa buhay ng mga tao at bansa. Isang manunulat ang nagsabi ng impluwensiya nang ganito:

Labinsiyam na siglo ang nakalilipas at ngayon Siya ang pangunahing tampok sa sankatauhan at punong haligi ng pag-unlad. Marahil ay tumpak lamang na aking sabihing sa lahat ng mga sundalong nagmartsa at lahat ng hukbong dagat na natatag at lahat ng batasang naupo, at lahat ng haring naluklok pagsama-smahin man ay hindi kailanman nahipo ang buhay ng tao sa mundong ito ng may kasing kapangyarihang tulad ni Jesus ng Nasaret.

Sa panahon ng Kaniyang ministeryo, maraming inaangkin si Jesus tungkol sa Kaniyang Sarili. Halimbawa’y sinabi niya na Siya ay Kapantay ng Diyos Ama, walang hanggan, ang ating daan patungo sa langit.

Sinumang taong nakaalam tungkol kay Jesus ay magsasabing lubhang maigting ang impluwensiya Niya sa daigdig. Ngunit Siya ba’y higit pa sa isang guro at pinuno? Suriin natin ang ebidensiya ng Kaniyang mga sariling pahayag tungkol sa Kaniyang pagka-Diyos.

Jesu Cristo

Sino si Jesus?

Ang Pelikulang Jesus Ang Apat na Tuntunin Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu Mga Oportunidad Mga Makatutulong na Impormasyon

© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ

07/11/06