Tagalog sa Web mga ibang wika

Sino, sa iyong palagay, ang pinakatatanging tao sa lahat ng panahon?

Si Jesus at ang Intelektuwal

Si Jesus - Tao, Alamat, o Diyos?


Marahil ay magtataka ka, "Ang Kristiyanismo ba ay natatag batay sa mga pangyayari ng kasaysayan? Si Dr. Clifford Herbert Moore, dating propesor ng Harvard University ang nagsulat:

Alam ng Kristiyanismo ang kaniyang Tagapagligtas at Manunubos, hindi tila isang dios na likha ng alamat lamang na may di- kanais-nais na sangkap. Ang pananampalatayang Kristiyanismo ay natatag sa mga positibo, makasaysayan, at katanggap-tanggap na katotohanan.

May mahabang listahan ng mga natatanging iskolar na naging mga tapat na tagasunod ni Kristo. Nagpahayag si Dr. William Lyon Phelps, isang propesor sa Yale University at isang kinikilalang guro sa kasaysayan ng bansang ito, ay nagpahayag ng kaniyang pagtitiwala sa mga makasaysayang katunayan ng pagkamatay ng Panginoong JesuCristo at malimit na ibinabahagi ang kaniyang personal na pananampalataya kay Kristo bilang Tagapagligtas at Panginoon.

Totoo ngang may mga tao, at kabilang dito ang mga ipinagkakapuring iskolar - na hindi naniniwala na si Jesus ay ang Anak ng Diyos, ang ating Tagapagligtas. Ngunit ako’y namamangha kapag kinakausap ko ang mga taong ito tungkol kay Kristo, dahil natutuklasan kong sila’y walang alam sa mga pangunahing katotohanan tungkol sa ebanghelyo. Kung babasahin mo ang mga isinulat ni Robert Ingersoll, Thomas Paine, o iba pang kilalang di-mapaniwalain, mamamangha kang malamang ang mga taong ito’y naninindigan sa isang bagay na hindi naman nila lubusang nauunawaan. Naglagay sila ng mga taong mahihina, tinawag itong Kristiyanismo, at pagkatapos ay sinira ang kanilang sariling likha.

Anumang di-maaaring itatuwang katuwiran para sa kabuluhan ng Kristiyanismo ay tumatayo o bumabagsak sa katunayan ng pagkabuhay na maguli ni Jesus ng Nasaret. Sa dahilang ito ang Kaniyang pagkabuhay ay pinagtatawanan at sinasalungat ng mga di-mapaniwalain ng mga nakaraang siglo. Sa dahilan ring ito ang mga mananampalataya mula sa iba’t ibang gawi ng buhay at disiplina ng pag-aaral ay ibinigay ang kanilang buhay sa pagpapatunay na si Jesus ay nagbangong muli buhat sa mga patay.

Alamin ang mga hindi maikakailang ebidensiya na nagbigay sa akin ng matibay na paniniwala na si Jesus ay nagbangong muli buhat sa mga patay, na nagpapatunay na Siya nga’y Anak ng Diyos.


Pagsusuri Sa Ebidensiya


Maraming tao ang hindi naniniwala at hindi tumatanggap sa mga sariling pahayag ni Kristo tungkol sa Kaniyang pagka-Diyos. Maraming maigting ang pag-iwas sa Kaniya, ngunit masasabi kong lubhang kakaunti sila. Iilan lamang ang nagsasabing Siya ay isa lamang alamat o Siya ay isa lamang dakilang tao at hindi na hihigit pa doon. Pinagtatawanan nila ang Biblia at yaong mga sumasamba kay JesuCristo bilang Anak ng Diyos.

Ang isa sa mga kilalang di-mapaniwalain ng siglong ito ay si C. S. Lewis, propesor sa Oxford University. Sa maraming taon ay di siya naniniwala na may Diyos at sa pagka-Diyos ni Kristo. Matapos ang mahabang paghahanap ng sagot ay tinanggap niya si Kristo bilang Tagapagligtas at Panginoon. Pagkatapos ay sumulat siya ng mga natatanging aklat na itinataguyod ang paniniwala kay Kristo bilang Tagapagligtas.

Sa Mere Christianity, sinabi ni Lewis:

Ang isang tao lamang na nagwika ng mga winika ni Jesus ay hindi maaaring ipalagay na isang dakilang guro ng moralidad. Siya ay alinman sa isang nasisiraan ng ulo na katulad ng isang nagsasabing siya’y sinuam na itlog o kaya’y siya ang diyablo ng impiyerno; na sa iyo ang pagpili.

C. S. Lewis


Pagtanggap ng Katotohanan


Hindi ko pa nakakatagpo ang isang lalaking tapat na tinatanggap ang katunayan ng tungkol kay Jesus ng Nasaret na hindi rin tinatanggap na Siya ay Anak ng Diyos. Kahima’t may ilang hindi naniniwala sila ay tapat sa pagsasabing, "Hindi ako nagbigay ng kaukulang panahong basahin ang Biblia o tingnan ang mga makasaysayang katotohanan tungkol kay Jesus." Ang isiping ganito ay maaaring dahilan sa di-magandang karanasan sa pagkabata, ang di-tapat na pamumuhay ng ilang Kristiyan, o kaya ay impluwensiya ng isang propesor sa kolehiyo; ngunit tinatanggap nilang hindi nila tunay at tapat na isinaalang-alang ang pagkatao ni Jesucristo at ang Kaniyang pag-angkin sa kanilang buhay.

Tingnan ang mga talatang ito tungkol kay Jesus ng Nasaret na kinuha sa Salita ng Diyos: Colose 1:15-20, Hebreo 1: 1-2, at Efeso 1:9-10.

Sa aking paghahanap sa katotohanan tungkol sa pagkabuhay na maguli ni Jesus, natuklasan kong maraming dakilang iskolar ang naniniwala, at patuloy na naniniwala sa Kaniyang pagkabuhay na maguli. Matapos ang pagsusuring isinagawa tungkol sa muling pagkabuhay na ipinahayag ng mga sumulat ng ebanghelyo, ang nasirang Simon Greenleaf, isang autoridad sa mga bagay na pambatas sa Harvard Law School, ay nagsabing, " Imposibleng ipagpilitan nila ang katotohanan ng kanilang ipinahayag kung hindi nga nabuhay na maguli si Jesus, at kanila ngang alam na may katiyakan ito."

Isinulat ni Dr. William Lyon Phelps, "Maaaring sabihing ang makasaysayang katunayan ng muling pagkabuhay ay mas malakas kaysa anupamang kababalaghan nasalaysay sa anupamang dako."

Si John Sigleton Copley, kinikilalang isa sa mga dakilang nakaaalam ng batas sa kasaysayan ng Inglatera ay nagsabi," Alam na alam ko kung ano ang ebidensiya; at sinasabi ko sa inyo ang sa muling pagkabuhay ay di pa nabubuwag."

Ang mga patunay na ito ay sapat na natugunan ang aking mga tanong tungkol sa muling pagkabuhay at siyang nagdala sa akin upang anyayahan ang nabubuhay na Kristo sa aking buhay nang may limampung taon na ang nakalilipas.

Mga ilang taon na matapos kong tanggapin si Kristo bilang Tagapagligtas at Panginoon, naupo ako sa walang lamang nitso sa Jerusalem - ang siyang pinaniniwalaan ng mga mananampalataya na siyang pinaglibingan kay Jesus ng Nasaret. Ito’y wala ng laman nang may 2,000 taon na.

Nagtungo ako sa harding ito nang may malaking pananabik. Kahit paano’y naramdaman kong makatatagpo ko ang Panginoon sa isang natatanging paraan. Dito ko Siya inaasahang tanging magpapakita sa akin. Tahimik ko Siyang hinintay. Walang nangyari. Nakaramdam ako ng kabiguan. Pagkatapos ay naalala ko ang winika ng mga anghel sa mga babae nang unang Pasko ng Pagkabuhay, "Bakit hinahanap ninyo ang buhay sa gitna ng mga patay? Wala siya rito, datapuwa’t nagbangon..." Sa ganon ay naunawaan ko ang hindi ko naunawaan noon na si Jesus ng Nasaret ay naroon at naririto ngayon sa anumang bahagi ng daigdig na may mga taong nananampalataya sa Kaniya . Oo, Siya ay nasa libingan nang ako’y nakaupo roon dahil sa nabubuhay Siya sa akin. Ngunit Siya rin ay nasa akin sa anumang lupain at bansang tinungo ko upang magsalita.

Ipinangako ni Jesus na Siya ay nasa kanila at di Niya iiwan o pababayaan ang mga magtitiwala sa Kaniya. Sa lahat ng mga dakilang katotohanan at nakapagpapabagong buhay na katotohanan sa Biblia, ang lubhang makahulugan sa akin ay ang katotohanang ang aking katawan ay tahanan ng Diyos, at ang buhay at mapang-ibig na Panginoong Jesucristo ay tunay na naninirahan sa akin.

Hindi lamang si Jesus ay ang Anak ng Diyos, nakagagawa in Siya ng mga bagay na di-magagawa ng iba. Gusto kong pagtuunan ng pansin ang apat na bagay

Una, tanging Siya lamang ang maaaring magpatawad ng kasalanan. Pangalawa, tanging Siya lamang ang makapagbibigay ng layunin sa buhay. Pangatlo, tanging Siya lamang ang makapagbibigay ng kapayapaan sa nababagabag na puso. Pang-apat at panghuli, si Jesus lamang ang makapagbibigay kapangyarihang makapamuhay ng masaganang buhay.

[Si Jesus at ang Intelektuwal |Susunod na Pahina]

Jesu Cristo

Sino si Jesus?

Ang Pelikulang Jesus Ang Apat na Tuntunin Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu Mga Oportunidad Mga Makatutulong na Impormasyon

© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ

07/11/06