| mga ibang wika |
| Paano Malalaman Na Si Cristo'y Nasa Iyong
Buhay
Tinanggap mo ba si Cristo sa iyong
buhay? Sang-ayon sa Kanyang pangako sa Pahayag 3:20, nasaan na si Cristo ngayon? Sinabi ni
Cristo na papasok sa iyong buhay. Magsisinungaling ba Siya sa iyo? Paano mo nalaman na
sinagot ng Dios ang iyong panalangin? (Ang katapatan ng Dios at ng Kanyang Salita ang
katunayan. Tinutupad ng Dios ang Kanyang mga pangako). Pasalamatan mong lagi ang Dios na si Cristo'y nasa iyong buhay at hindi ka
Niya iiwan (Hebreo 13:5). Malalaman mo sa pamamagitan ng Kanyang pangako na si Cristo'y
nananahan sa iyo at ikaw ay may buhay na walang hanggan, mula nang Siya'y papasukin mo sa
iyong buhay. Hindi ka Niya dadayain. HUWAG UMASA SA PAKIRAMDAM Ang pangako ng Salita ng Dios at hindi ang ating pakiramdam ang ating batayan. Ang Cristiano ay nabubuhay sa pananampalataya (pagtitiwala) sa Dios at sa Kanyang Salita. Ang trak ay naglalarawan ng kaugnayan ng katotohanan (Dios at ang Kanyang Salita), pananampalataya (ang ating pagtitiwala sa Kanya at sa Biblia) at pakiramdam (ang bunga ng ating pagtitiwala at pagsunod) (Juan 14:21).
NGAYONG TINANGGAP MO NA SI CRISTO Sa sandaling tinanggap mo si Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya, maraming bagay ang nangyari, kasama ang mga sumusunod:
Mayroon pa bang ibang bagay na hihigit pa kaysa pagtanggap kay Cristo? Nais mo bang pasalamatan ang Dios ngayon din dahil sa ginawa Niya sa iyo? Sa pagpapasalamat mo sa Dios, pinatutunayan mo ang iyong pananampalataya. MGA MUNGKAHI SA PAGLAGO SA BUHAY CRISTIANO Ang paglago sa buhay Cristiano ay bunga ng pagtitiwala kay Cristo. "Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya" (Galacia 3:11 NPV). Ang buhay na may pananampalataya ay makatutulong sa iyo upang patuloy na ipagkatiwala sa Dios ang bawa't bahagi ng iyong buhay at upang gawin ang mga sumusunod:
MAHALAGA ANG PAGDALO SA PAGTITIPON NG MGA MANANAMPALATAYA Sa Hebreo 10:25, sinasabihan tayo na "huwag nating pababayaan ang pagkakatipon..." (NPV). Maningas ang apoy pagtabi-tabi ang maraming kahoy; ihiwalay mo ang isa at mamamatay ang dingas nito. Gayon din naman ang kaugnayan mo sa ibang mga mananampalataya. Kung hindi ka pa kaanib ng isang sambahan, huwag mong hintaying anyayahan ka pa. Magkusa kang dumalo sa isang sambahang si Cristo ang sinasamba at ang Salita ng Dios ang ipinangangaral. Simulan sa darating na Linggo ang palagiang pagdalo. MGA BABASAHING MAKATUTULONG SA PAGLAGO SA BUHAY CRISTIANO Isang sunod-sunod na pag-aaral ng Biblia at marami pang mga babasahin ang ipinamamahagi. Para sa karagdagang kaalamam, sumulat sa: Philippine Campus Crusade for Christ, P.O. Box 458, Manila 1099, Philippines. KUNG NAKATULONG SA IYO ANG MUNTING AKLAT NA ITO IBAHAGI SA ISANG KAIBIGAN O KAKILALA. May mga 1.5 bilyong kopya ng Apat na Tuntuning Espirituwal ang nalimbag na at ninanais ng Campus Crusade for Christ na ang mensahe nito ay maipamahagi sa karamihan. Dahil dito, ang aklat na ito ay maaaring gamitin ninuman o ng alinmang samahan nais itong gamitin. Ang bahagi sa ibaba ay para sa layuning iyon. Upang mapanatili at mapangalagaan ang nilalaman ng libritong ito, anumang bahagi ay hindi maaaring ipalimbag sa anumang kaayusan na walang pahintulot mula sa Philippine Campus Crusade for Christ, P.O. Box 458, Manila 1099.
Nais mong ibahagi ang mahalagang natuklasan mong ito.... Kung ang mga pahinang ito ay naging makabuluhan at nakatulong sa iyo, Upang mapanatili ang uri at pangalagaan ang mga nilalaman ng babasahing ito, ang mga pahinang ito o bahagi man ay hindi maaaring kopyahin ng walang pahintulot ang Philippine Campus Crusade for Christ, P.O. Box 458, Manila, 1099. Isinulat ni Bill Bright. Copyright © Philippine Campus Crusade for Christ, Inc. 1989. All rights reserved. Isinalin sa Filipino. Internet version, including graphics, copyright © 1995 by Campus Crusade for Christ International. All Rights Reserved. Questions and Comments are always welcome! |
| Jesu Cristo | Ang Pelikulang Jesus | Ang Apat na Tuntunin | Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu | Mga Oportunidad | Mga Makatutulong na Impormasyon |
© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ
05/21/01