Tagalog sa Web mga ibang wika

Sino, sa iyong palagay, ang pinakatatanging tao sa lahat ng panahon?

Si Jesus at ang Intelektuwal

Si Jesus ay Nagpapatawad ng Kasalanan


Sinasabi ng Biblia na ang Diyos ay banal at ang tao ay makasalanan. Lumilikha ang kasalanan ng malaking puwang sa dalawa na di-maaaring punan kahit anong buting gawin ng tao. Sinasabi ng Biblia, "Lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kalualhatian ng Diyos" (Mga Taga Roma 3:23), at "Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin" (Mga Taga Roma 6:23).

Ngunit ano ang pakahulugan natin sa kasalanan? Hindi lang ito pagsisinungaling, pagnanakaw o kawalan ng moral. Ang kasalanan ay kalagayan ng isipan, o isipin. Ito’y pagsasarili at kawalan ng interes sa Diyos. Ito’y kawalan ng pakikipag-ugnay o pakikitungo sa Kaniya. Malinaw na sinasabi sa Biblia na ang kasalanan ay hindi pagkaabot sa pamantayan ng Diyos na Kaniyang walang bahid na katuwiran. Ipinakikita ng kasalanan ang pagkamakasarili na isang tahasang pag-aalsa, o kawalan ng interes sa mga bagay tungkol sa Diyos.

Nais kong ilarawan ang iyong kalooban sa trono ng iyong buhay. Ikaw o ang Diyos ang nasa trono. Kung sasabihin mong, "Ako ang panginoon ng aking buhay; gagawin ko ang gusto ko," isa ka ngang makasalanan. Kung si Kristo ang nasa trono, tinanggap mo kung gayon ang kabayaran Niya ng iyong kasalanan, at nadala ka Niya na magkaroon ng kaugnayan sa Kaniya.

Itinuturo ng Diyos na si JesuCristo lamang ang tugon ng Diyos sa kasalanan. Sa Lumang Tipan, ang mga Israelitas ay nagdadala ng mga hayop sa saserdote bilang hain para sa kanilang mga kasalanan. Ang mga hayop na ito ay kailangang walang bahid o dungis. Ang hayop ay pinapatay at ang dugo ay iwiniwisik sa altar ng saserdote bilang panandaliang panakip sa kasalanan ng tao.

Ang haing ito ay naglalarawan ng pagdating ng natatanging "kurdero" ng Diyos, si Jesus na ang dugo’y tatakpan nang walang hanggan ang kasalanan ng tao. Isinugo ng Diyos ang Kaniyang bugtong na Anak na walang sala, bahid, o dungis, upang ibuwis ang Kaniyang buhay, ibuhos ang Kaniyang dugo sa krus para sa kapatawaran ng kasalanan.

Sinasabi ng Kasulatan, "Maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran" (Hebreo 9:22). "Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan"

(Juan 3:16).

Ang tulay ng Diyos sa tao ay ang Kaniyang Anak. Ipinangako Niya na kung Siya’y makikilala natin at magkakaroon tayo ng kaugnayan sa Kaniya sa pamamagitan ng Panginoong Jesus. Ito ang pinakamahalagang katotohanan sa Salita ng Diyos.


Mula Relihiyon Hanggang kay Kristo


Ngunit maaari nating itanong, Si Jesus lamang ba ang daan patungong Diyos?

Sa pagtatapos ng isa sa aking mga pagtuturo sa isang pamantasan sa temang "Ang Pagiging Katangi-tangi ni Jesus," isang batang propesor ng Hindu ng Indiya ang lumapit sa akin. Galit siya at naiinip. "Galit ako sa inyong mga Kristiyano," abi niya. "Tinututulan ko ang inyong kataasan sa pagsasabi na si Jesus lamang ang daan patungo sa Diyos. Naniniwala akong ang Kristiyanismo ay isang daan, ngunit isa lamang daan. Ang Hinduwismo ay isa rin. Ang Budismo, Shintowismo at iba pang mga relihiyon ay mga daan patungo sa Diyos," ang tumututol niyang pahayag.

Ipinaalaala ko sa kaniya ang tungkol sa mga sulat ng dakilang pinunong Indiyo na si Mahatma Ghandi, na malaki man ang debosyon sa kaniyang relihiyon, ay naglahad sa kaniyang talambuhay, "Isang palagiang pasakit sa akin ang katotohanang ako’y malayo pa rin sa kaniya na alam kong Siyang aking buhay at pagkatao. Alam kong ang aking pagiging makasalanan ay nakapamagitan sa amin." Ang batang propesor na ito ay nagsabing dating pinaniniwalaan niyang Diyos si Ghandi; ngunit hindi na ngayon.

Bukod sa pagiging deboto, ang lalaking ito ay may di-pangkaraniwang talino. Tinatapos niya ang dalawang dalubhasaan (doctorate), isa sa pisika at isa sa kemika - na magkasabay. Habang kami’y nag-uusap, unit-unti nakita niya na iba ang Kristiyano.

Nakita niya na ang Kristiyanismo ay hindi relihiyon o pilosopiyang gawa lamang ng tao, kundi ito lamang ang nagbibigay tugon sa tanging pangangailangan ng tao, ang kapatawaran ng kasalanan. Kahima’t siya’y debotong tagasunod ng kaniyang relihiyon - masigsa sa pagbabasa ng mga banal na sulating Indiyo at ng lahat ng ritwal sa kaniyang paniniwala - hindi niya pa natatagpuan ang Diyos.

Tinukoy ko ang pagkakaiba ng buhay ng kaniyang mga kaibigang Kristiyano. Inaamin niyang mayroon silang wala siya. Malinaw na ito’y ang buhay ng Tagapagligtas na namumuhay sa kanila’t nagpapatawad ng kanilang mga kasalanan. Di nagtagal ay sabay kaming lumuhod at ang batang Hindung ito ay dumalangin kay Jesus na patawarin ang kaniyang mga kasalanan at maging Kaniyang Tagapagligtas.

Tunay ngang walang relihiyon sa daigdig ang nakapagpapatawad ng kasalanan. Bukod sa krus ni Jesus ay walang hanggang nasa kasalanan ang tao hiwalay sa Diyos. Kalimitang itinuturo ng mga relihiyon na kapag ang mabubuting gawa ay mas marami kaysa masama, siya’y tutungo sa langit o anumang katumbas. Ngunit kapagka ang masasamang gawa’y higit pa sa mabubuti, siya’y tutungo sa impiyerno o anumang katumbas, ayon sa isang relihiyon. Tunay ngang hindi niya alam kung saan siya tutungo hanggang hindi pa natatapos ang kaniyang buhay. O anong trahedya! Ang laking kakulangan mayroon ang ganoong relihiyon o pilosopiya.

Alisin mo si Buddha sa Budismo, si Mohamed sa Islam, at gayon din ang ibang tagapagtatag ng mga ibang relihiyon mula sa kanilang relihiyon at kakaunti ang mababago. Ngunit kapag inalis mo si Kristo sa Kristiyanismo ay wala ng matitira pa, dahil sa ang Kristiyanismo ay hindi lamang isang pilosopiya o panuntunan; ito ay isang personal na kaugnayan sa isang nabubuhay na Tagapagligtas na pumarito upang magpatawad ng kasalanan at magbigay ng katiyakan ng buhay na walang hanggang kasama ang Diyos sa langit.

[Nakaraang Pahina| Si Jesus at ang Intelektuwal |Susunod na Pahina]

Jesu Cristo

Sino si Jesus?

Ang Pelikulang Jesus Ang Apat na Tuntunin Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu Mga Oportunidad Mga Makatutulong na Impormasyon

© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ

07/11/06