| mga ibang wika |
| Sino, sa iyong palagay, ang pinakatatanging tao sa lahat ng panahon? | Si Jesus at ang Intelektuwal |
Si Jesus ay Nagbibigay ng Layunin sa Buhay Hindi lang si Jesus ng Nasaret ang Tanging nakapagpapatawad ng ating kasalanan, kundi Siya rin lamang ang makapagbibigay ng layunin sa buhay. Sinasabi ng Biblia na sa pamamagitan ng Anak ng Diyos ay nilikha ng Diyos ang buong sandaigdigan, at itinagubilin Niyang lahat ng nilikha sa Kaniyang Anak. Tunay ngang makikita ng sinuman na nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay na may layunin. May ayos, sistema, at hugis ang santinakpan. Ang tao ay pinakatampok na kahayagan ng paglikha ng Diyos - ang siyang may katalinuhan. Nilikha ng Diyos ang tao na may layang loob, na may karapatang mamili. Maaari siyang magsabi ng "Oo" o "hindi" sa Diyos, at, sa pangkalahatan, ay pinili niya ang "hindi." Dahil sa trahedyang ito, ang mga nagsabi ng "hindi" ay hindi nakatuklas ng layunin ng Diyos para sa kanilang buhay. Napansin kong ang mga taong hindi nakakakilala kay Jesus ay tulad ng barkong walang layag, na walang direksiyong lumulutang-lutang sa alon ng maalong dagat. Halimbawa, si H.G. Wells, isang kilalang manunulat ng kasaysayan at pilosopo, ay nagsabi sa gulang na 61, "Wala akong kapayapaan. Ang buhay ay nagwawakas sa kawalan." Si Pascal, ang pisikong Franko at pilosopo, ay nagsabi, May puwang na nilikha ang Diyos sa puso ng bawat tao na di mapupunan ng anuman maliban sa Diyos, ang Manlilikha, na ating nakilala sa pamamagitan ni Jesucristo. Marahil sa katahimikan ng iyong puso ay sinasabi mong, "Oo, akoy may puwang; hindi ako nasisiyahan sa aking buhay." May mga pagpapala sa pagtupad ng kalooban ng Diyos - kung saan at ano ang naisin Niya para sa iyo tulad halimbawa ng pag-aasawa. Tatlumput limang taon na ang nakararaan, ang deborsyo (paghihiwalay) sa Amerika ay siyam sa sanlibo. Ayon sa pinakahuling mga bilang, ang isa sa bawat dalawang pag-aasawa sa Estados Unidos at 60% ng pangalawang pag-aasawa ang nagwawakas sa deborsiyo. Ang isang pag-aaral na ginawa ng University of Minnesota ang nagpapakita na kung magpapatuloy ang kasalukuyang takbo, sa taong 2000, dalawa sa tatlong mag-asawa ay magwawakas sa deborsiyo. Subalit mapapansin na kapag Biblia at magdasal araw-araw, ang bilang ng deborsiyo ay gaanong bumaba sa isa sa sanlibo. Ang pagkakaroon ng kaugnayan kay Kristo ang nagiging kaibahan. Binibigyan Niya ng tunay na layunin ang pag-aasawa. Dahil sa mga pangyayaring ito, sino ang isusugal ang pag-aasawa nang wala si Kristo bilang Panginoon ng bawat isang lalaki at babae. Maaaring magtaka ka, Paanong magagawa ni Kristo ang gaanong kalaking kaibahan? Simple lamang ang kasagutan. Kung ikaw ang nasa trono - o ang iyong kalooban - ng iyong buhay, ang iyong sarili at ang sarili ng iyong asawa ay mag-aaway lamang. Ang pag-aaway ay hindi maiiwasan. Ngunit kung si Kristo ay nasa trono ng buhay ng bawat asawang lalaki at babae, hindi Niya maaaring kalabanin ang Kaniyang sarili, at magkakaroon ng kapayapaan at kaayusan ang pag-aasawa. Ang Biblia ay nagsasabi, "Ang lakad ng tao ay itinatatag ng Panginoon" (Mga Awit 37:23). At "Ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid bagay niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa" (Mga Taga Roma 8:28). Walang sinuman sa ating mabubuhay nang ganap hanggat hindi natin inaanyayahan si Kristo na ipakita ang layunin ng paglikha Niya sa atin. Walang sinumang nabubuhay ang makagagawa nito - walang lalaki, walang ugnayan, walang pilosopiya - si Jesus ng Nasaret lamang na Diyos sa laman. [Nakaraang Pahina| Si Jesus at ang Intelektuwal |Susunod na Pahina] |
| Jesu Cristo | Ang Pelikulang Jesus | Ang Apat na Tuntunin | Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu | Mga Oportunidad | Mga Makatutulong na Impormasyon |
© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ
07/11/06