Tagalog sa Web mga ibang wika
7 Panimulang Hakbang Para sa Matagumpay na Pag-aayuno at Panalangin Paano Makararanas at Makapagpapanatili ng Personal Na Bagong Kalakasang Espirituwal
1. Hilingin sa Banal Na Espiritu na ipakita ang anumang di-nahayag na kasalanan.

2. Hingin ang patawad mula sa iyong mga nasaktan at patawarin naman ang mga nakasakit sa iyo. Iwasto ang anumang dapat na iwasto.

3. Suriin ang motibo sa bawat salita at aksiyon. Hilingin na linisin ng Panginoon ang iyong puso araw-araw.

4. Hilingin sa Banal Na Espiritu na maiwasan ang pagwawalang bahala at di-seryosong pamumuhay.

5. Magpuri at magpasalamat sa Diyos sa anumang sitwasyon.

6. Huwag sumunod sa pita ng laman (Galacia 5:16-17).

7. Ipailalim ang buhay kay Jesucristo bilang Tagapagligtas at Panginoon na may pagpapailalim at pagpapakumbaba. Magtiwala sa Kaniya nang buong

8. Pag-aralan ang mga katangian ng Diyos.

9. Mangagutom at mangauhaw sa katuwiran (Mateo 5:6).

10. Ibigin ang Diyos nang buong puso, kaluluwa, at isipan (Mateo 22:37).

1 1. Tanggapin ang pagpupuspos at kontrol ng Banal Na Espiritu ayon sa Kaniyang utos (Efeso 5: 18) at pangako ( I Juan 5:14. 15).

12. Basahin, pag-aralan, pagmuni-munihin at sauluhin ang banal at walang bahid na Salita ng Diyos araw-araw (Colosas 3: 16).

13. Manalanging walang patid (I Tesalonika 5: 17)

14. Mag-ayuno at manalangin sa dalawampu't apat na oras bawat linggo. Mapanalanging isaalang-alang kung isa ka sa 2 milyong Kristiyanong mag-aayuno ng apatnapung araw bago matapos ang taong 2000.

15. Ibahagi si Kristo sa pang araw-araw na pamumuhay.

16. Mamuhay ng banal at maka-Diyos sa pagsunod at pananampalataya.

17. Simulan ang isang grupong mag-aaral ng Biblia sa bahay o simbahan na nagbibigay-diin sa pagbabagong kasiglahang espirituwal at banal na buhay.


[ Nakaraang Pahina | 7 Panimulang Hakbang Sa Pag-aayuno at Panalangin | Susunod na Pahina ]

Jesu Cristo

Sino si Jesus?

Ang Pelikulang Jesus Ang Apat na Tuntunin Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu Mga Oportunidad Mga Makatutulong na Impormasyon

© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ

03/19/01