| mga ibang wika |
| Mga Maililipat na Paniniwala ni Dr. Bill Bright | Paano Ka Makararanas ng Pag-Ibig at Pagpapatawad ng Diyos |
Isang Pormulang Espirituwal Hayaan mong ibahagi ko ang isang simpleng paraan, isang pormulang espirituwal, na nakatulong sa libo-libong mga taong makaranas ng pag-ibig at pagpapatawad ng Diyos. 1. Itala ang Iyong mga Kasalanan Nagsisimula ito sa pamamagitan ng pagtatanong sa Banal Na Espiritu na ihayag ang bawat kasalanan sa iyong buhay. Kumuha ng lapis at papel at itala ang bawat kasalanang inilalagay Niya sa iyong isipan. Habang nagsusulat, ihayag mo ang mga ito sa Diyos. Iminumungkahi kong magpakumbaba ka sa harap ng Diyos habang ginagawa mo ito. Bigyan Siya ng pagkakataong sabihin ang lahat sa iyong buhay na di maganda para sa Kaniya. Ang talaang ito ay sa pagitan mo at ng Diyos lamang, kaya maging tunay kang matapat. Sabihin sa Kaniya ang bawat maling bagay. Ang talaan moy maaaring magsama ng:
Anuman ang kasalanan mo, isulat ito at alalahanin: mayroon kang mapagmahal na Diyos na magpapatawad sa iyo - na ibinigay pa nga ang Kaniyang Anak, ang Panginoong Jesus, upang mamatay para sa iyo. Isang bata pang ginoo ang nagsabi sa akin matapos ang isang panggabing pagpupulong, "Hindi ako naniniwalang dapat akong gumawa ng talaan. Hindi ako makapag-isip ng anumang lubhang mali sa aking buhay. Ngunit nang makita ko ang ibang gumagawa ng kanilang talaan, ang Espiritu ng Diyos ang nagpakita sa akin para gawin din iyon." Kahimat walang malaking bagay ng pagsuway sa buhay ng lalaki, sinabi niyang maraming maliliit na bagay ang nagpahina ng kaniyang pag-ibig at pagpapatotoo kay Kristo. Pinasigla niya ako sa pagsasabing, "Kung sakaling magsasalita kang muli sa bagay na ito, tiyakin lamang na igit sa bawat isa, kasama na iyong nag-aakalang walang kasalanan sa kanilang buhay na gumawa ng talaan ng kanilang kasalanan. Kung hindi ako gumawa ng listahan ay maaaring di ko makamtan ang natatanging pagpapala ng Diyos." 2. Isulat ang Pangako ng Diyos sa Tapat ng Talaan Matapos maisulat ang mga kasalanang ipinahihiwatig ng Diyos, isulat din ang pangako mula sa I Juan 1:9 sa tapat ng talaan:
3. Itapon ang Talaan Kapag natapos mo na ang panahon ng panalangin at pagpapahayag ng kasalanan, tanggapin ang Kaniyang kapatawaran nang may pananampalataya, at itapon ang talaan bilang tanda ng pagpapatawad sa iyo ng Diyos. Maaaring punitin muna ito o sunugin upang ilarawan ang ganap na pagpapatawad ng Diyos sa iyo. Maaaring punitin muna ito o sunugin upang ilarawan ang ganap na pagpapatawad ng Diyos sa iyo. 4. Gumawa ng Pagsasauli Ang pangwakas na hakbang ay ang paghiling sa Diyos kung mayroon kang dapat gawing pagsasauli kanino man. Maaaring mayroon kang dapat ihingi ng paumanhin sa pagkakaroon ng maling isipin tungkol sa isang tao. Maaaring kailangang humingi ng tawad sa isang tao dahil sa maling pakikitungo mo sa kaniya. Maaaring may dapat isauli ka na iyong kinuha o ninakaw. Mahalagang gumawa ng pagsasauli sa iba dahil di magkakaroon ng malinis na budhi sa harap ng Diyos kung hindi ganon din sa iba. Maaring tulad ka ng isang lalaking naglalakad sa daan na may dala-dalang mabigat na dalahin sa kaniyang likod. Di nagtagal, may tumigil na karwahe, at niyakag siya ng tsuper na sumakay. Tinanggap ng pagod na manlalakbay ang paanyaya. Habang siyay umaakyat sa sasakyan, dala-dala pa rin niya ang mabigat na dalahin. "Bakit hindi mo ibaba ang dala-dalahan mo at magpahinga ka?" tanong ng tsuper. Ang nanlulumong manlalakbay ay sumagot, "Naku, di ko maaaring gawin iyan! Lubha namang abala sa iyo kung dadalhin mo rin ang dala-dala ko." "Anong kalokohan," maaari mong sabihin. Hindi ganon ang magiging sagot natin sa paanyayang iyon, ganon ba? Subalit maraming Kristiyano ang patuloy na dinadala ang mabigat na pasanin ng pagiging maysala kapit matapos na ilagak ang kanilang buhay sa Panginoong Jesus at tanggapin ang kaniyang pagpapatawad. Kalimitan nakararanas tayo ng pagsalungat o pamumula sa ating mga kaibigan o pamilya kung hindi natin maabot ang kanilang inaasahan sa atin. Kung talagang nagawan mo ng mali ang isang tao, naipahayag mo na ito, at nakagawa ka na ng pagsasauli, ang pakiramdam mong pagiging maysala ay mawawala. Ngunit ang damdaming itoy magpapatuloy kung hindi mo patatawarin ang iyong sarili o kung sisikapin mong mas pahalagahan ang sinasabi ng iba. Wala sa ating ganap na o magaling. Ngunit bilang Kristiyano hindi tayo nabubuhay sa kahatulan. Bilang napatawad na, ikaw ay nasa matuwid sa harap ng Diyos dahil kay Kristo. Kapag natapos mo na ang pamamaraang ito, ang anumang damdamin ng pagka maysala na naroroon pa ay hindi galing sa Diyos. Itoy mula sa iyong kaaway na si Satanas. Ang iyong mga kasalanan ay naalis na kasing layo ng silangan sa kanluran (Mga Awit 103:12). Itoy nalibing sa pinakamalalim na dagat (Mikas 7:19). Tinalikuran na ito ng Diyos at di na Niya naaalala pa (Jeremias 31:34; Hebreo 8:12; 10:17). May isang batang lalaking may alagang ibon. Isang araw, ang ibon ay namatay. Nalumbay na lubha ang bata; at ang kaniyang ama at ina ay nagpasiya na sa halip na magpatuloy sa ganong kalagayan ang bata ay gagawa sila ng isang bagay na di niya malilimutan. Sinabi nila, "Magkaroon tayo ng paglilibing." Tinawag nila ang lahat ng bata sa kapitbahayan at silay naghukay sa lupa, at matapos ilagay ang ibon sa isang kahon ay inilibing nila ito. Sa halip na malumbay, ang batang lalakiy nanabik. Subalit sa sumunod na araw, ang batay lumabas at naghukay upang tingnan ang lagay ng ibon. Iginiit ng ama na inilibing niya na ito. Sumunod ang bata. Makaraan ang ilang araw, lumabas na muli ang bata at naghukay. Nangyari ito ng makailang ulit, at bawat ulit ay pinagsasabihan siya ng ama. Sa huliy nagalit ang ama at sinabi, "Pabayaan mo ang ibong iyan sa lupa; at huwag na huwag mo nang huhukayin pang muli!" Ipinahahayag mo ba ang iyong kasalanan nang paulit-ulit - dahil sa pakiramdam mong maysala ka pa - katulad ng batang naghihintay pa ng ng matagal nang patay na ibon? Lahat ng iyong kasalanan ay pinatawad na ng Diyos dahil sa pagkamatay ni Kristo sa krus at ang pagkabuhos ng Kaniyang dugo para sa iyong kasalanan. Kung patuloy kang pinagbibintangan ni Satanas ng isang bagay na ginawa mo noong nakaraan, nakalulungkot ito sa Banal Na Espiritu. Masasabi mo nang buong ligaya, "Naipahayag ko na ang kasalanang iyon at alam kong pinatawad na ako ng Diyos at nilinis tulad ng Kaniyang pangako." Hinahamon kitang siyasatin ang iyong buhay ngayon. Nararamdaman mo ba ang kaganapan ng buhay Kristiyano? Dinadala mo ba ang bigat ng mga nakaraan mong pagkakasala? Magsimula kang magsagawa ng Paghingang Espirituwal ngayon. Marami itong natulungang Kristiyano, at batid kong matutulungan ka rin. Ganap ang pagpapatawad ng Diyos. Pasalamatan Siya sa pagpapawalang sala at paglilinis sa iyo. Angkinin ang tagumpay sa mga di-tamang damdamin at magpatuloy sa pagiging mabungang alagad at patotoo sa ating Panginoon. Ngayon ay malaya mo nang mararanasan ang masaganang buhay na Kaniyang ipinangako. Ngayon ay mapasisigla at mapaglilingkuran mo na ang iyong mga kapatid kay Kristo. At makapapasok ka na sa larangan ng pag-aani na may tuwang dadalhin ang ibang mga tao sa Panginoong Jesus na lubhang malaki ang nagawa para sa iyo. Alalahanin mo na ang Paano Ka Makararanas ng Pag-Ibig at Pagpapatawad ng Diyos ay isang maililipat na paniniwala. Pag-aralang mabuti ito sa pamamagitan ng pagbabasa dito nang may anim na ulit; tapos ay ibahagi ito sa iba gaya ng utos ng ating Panginoon sa Mateo 28:20, "Ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo." Tulad din ng sabi ni Apostol Pablo, " At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba" (2 Timoteo 2:2). [Nakaraang Pahina // Paano Ka Makararanas ng Pag-Ibig at Pagpapatawad ng Diyos // Susunod na Pahina] |
| Jesu Cristo | Ang Pelikulang Jesus | Ang Apat na Tuntunin | Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu | Mga Oportunidad | Mga Makatutulong na Impormasyon |
© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ
07/11/06