| mga ibang wika |
Pangkat 4 |
Sino Si Jesus? Isang Pagsisiyasat Sa Biblia |
|
| IV. Si
Jesus: Ang Tagapagligtas Sa paglilitis kay Jesus, lumalabas na ang mahinang loob na gobernador ng Roma na si Pilato at ang sigaw ng mga tao ang siyang naghatid kay Jesus sa kamatayan. Sa katunayan, sinasabi ng Biblia na ang mga pangyayaring ito ay bahagi ng layunin ng Diyos. At isinama niya ng bukod ang labingdalawa, at sa kanilay sinabi, "Nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta ang magaganap sa Anak ng tao. Sapagkat siyay ibibigay sa mga Gentil, at siyay aalimurahin, at duduwahaginin at luluraan. At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya."At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito.(Lucas 18:31-3a) (Pumindot dito para sa panimulang tala sa mga di-pangkaraniwang salita) A. Ang Pagkain sa Paskua at ang "Huling Hapunan" Sa huling gabi ng kaniyang buhay, kumain si Jesus kasama ng Kaniyang mga alagad. BASAHIN: Lucas 22:7-20
B. Ang Paglilitis Matapos ang pagkain sa Pascua, si Jesus ay dinakip sa Hardin ng Getsamani. Dinala Siya sa namumunong konseho ng mga Hudyo. BASAHIN: Lucas 22: 66-71
K. Ang Krus Si Jesus ay hindi nahatulang mamatay dahil sa anumang Kaniyang ginawa. Siyay hinatulan dahilan sa pagpapakilala Niya kung Sino Siya. BASAHIN: Lucas 23: 32-49
Ang araling ito ay pinamagatang "Si Jesus Ang Tagapagligtas." Ang magligtas ay nangangahulugang muling bilhin, o kunin ang isang bagay sa pamamagitan ng pagbabayad. Ang pagkamatay ni Jesus ay para sa ibang tao, upang ibalik sila sa Diyos. Pag-isipan Habang hinihintay ng kriminal ang kaniyang sariling kamatayan, hiniling niyang alalahanin siya ni Jesus sa kaniyang darating na Kaharian. Ipinangako ni Jesus na ang magnanakaw ay makakasama Niya iyong mismong araw na iyon sa Paraiso. Sa paanong paraan magkakaroon tayo ng ganoon ding pag-asa tulad nang sa kriminal matapos makarinig ng salita ni Jesus? Mga Panimulang Tala (ng di-pangkaraniwang salita) Paskua (Lucas 22:7 at sumusunod) Ang Paskua ay isang pangtaunang relihiyosong pagdiriwang kung kailan inaalala ng mga Hudyo ang pagliligtas sa kanila ng Diyos mula sa pagkaalipin sa Ehipto. Naalala nila kung paanong ang anghel ng kamatayan ay pinatay ang lahat na panganay na anak ng mga Egipcio (Egyptian), ngunit "nilampasan" ang mga mag-anak na Hudyo. Sinabi sa kanila ng Diyos na silay ipagsasanggalang sa pamamagitan ng pagwiwisik ng dugo ng kurdero sa poste ng kanilang pintuan. Pagkatapos ng pangyayaring ito ay pumayag ang mga Egipcio na umalis ang mga Hudyo sa Egipto. Ang isang mahalagang bahagi ng pista ng Pascua ay ang pagpatay at pagkain ng kurdero ng Pascua. Bagong Tipan (Lucas 22:20) Nangako ang Diyos sa Lumang Tipan (Jeremias 31:31-34) na ang isang bagong panahon ay susulong. Ang bagong panahong ito ay pinanganlang bagong tipan. Sa Bagong Tipan ay sinabi ni Jesus na ang bagong panahong ito ay nagsimula at ang Kaniyang pagkamatay ay nagpatibay dito. Ito ang katiyakang ibinigay sa atin ng Diyos na patatawarin Niya tayo at tayo ay magkakaroon ng natatanging relasyon sa Kaniya. Mesias (Lucas 22:67) Ang salita sa Hebreong "Mesias" ay nangangahulugan ng "isang napupuspos" (Ang puspusin ang isang tao ng langis ng olibas ay ang itaas siya o itagubilin siya sa isang tanging gawain). Sa Griyego, ang wika ng Bagong Tipan, tinutukoy na "Mesias" si Cristo. Inaasahan ng mga Hudyo na ang ipinangakong Mesias ay isang hari, upang iligtas ang bansa mula sa kamay ng banyaga at magtayo ng isang makatuwiran at maka-Diyos na kaharian sa Israel. Maraming mga talata sa Lumang Tipan ang nagsasabi kung sino ang napupuspos na itong darating. Kahimat sinabi ni Jesus na Diyos ang Mesias, hindi Niya ginawa ang inaasahan ng mga Hudyo. Sa halip, dumating Siya bilang utusan at isang naghihirap. Ang Kaniyang kaharian ay natatag, hindi sa palasyo, kundi sa puso ng mga babaet lalake. Datapuwat sa katapusan, ang lahat ng bagay ay nasa ilalim Niya. Anak ng Tao (Lucas 22:69) Malimit tinatawag ni Jesus ang Kaniyang sarili na "Anak ng Tao." Sa Lucas 22:69, tinukoy Niya ang talata sa Lumang Tipan (Daniel 7:13, 14) tungkol sa anak ng tao na binigyan ng walang hanggang kaharian. Nauunawaan ng mga Hudyo na ito ay ang ipinangakong Mesias. |
| Jesu Cristo | Ang Pelikulang Jesus | Ang Apat na Tuntunin | Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu | Mga Oportunidad | Mga Makatutulong na Impormasyon |
© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ
03/19/01