| mga ibang wika |
Pangkat 5 |
Sino Si Jesus? Isang Pagsisiyasat Sa Biblia |
|
| V. Si Jesus: Ang
Tagapag-bigay buhay Ang huling bahagi ng Lucas ay nagtatala ng kamangha-manghang pangyayari ng muling pagkabuhay. Matapos mapako si Jesus, ang mga alagad Niya ay natakot sa mga Hudyo. Bagaman silay patuloy na nagtatagpo, ginawa nila ito ng lihim. Kapagdaka ay dumating si Jesus. Si C. S. Lewis, isang popular na manunulat at Kristiyano ay nagsabi:
A. Ang Muling Pagkabuhay BASAHIN: Lucas 24: 1-53
Ang balitay dumating sa kanila na si Jesus ay buhay nang muli. Ang reaksiyon ng mga alagad ay nagpapakita na hindi nila inaasahan ito. Inakala nilang itoy kuwentong walang katuturan (talatang 11). Ang dalawang naglalakad sa daan ay nagsabing silay nagulat sa balita (talatang 22) at sinabi mismo ni Jesus na alinlangan sila sa kanilang isip (talatang 38). Kahimat ganito, ibat ibang tao ang naniwala na si Jesus ay bumangon mula sa mga patay.
Ang muling pagkabuhay ni Jesucristo ay siyang kasukdulan ng Kaniyang gawain. Nagbangon Siya sa mga patay gaya ng Kaniyang sinabi. Itoy hamon sa atin na paniwalaan ang iba pang mga bagay na nasabi Niya tungkol sa Kaniyang sarili. Ang muling pagkabuhay ay humahanap ng tugon mula sa atin. B. Ang Pagtugon kay Cristo Tingnan natin ang isang natatanging babaeng tinukoy ni Lucas, at matyagan kung paano siya tumugon kay Jesus. BASAHIN: Lucas 7: 36-50 Ang babaeng ito ay may masamang lumipas. Ang kaniyang pakikitungo kay Jesus ay lubhang kaiba sa masyadong pormal na pakikitungo ni Simong Fariseo.
Tiyak niyang may kapayapaan siya sa Diyos. Tinanggap at pinatawad siya ni Jesus dahil sa Kaniyang pag-ibig at kahabagan. Wala siyang maaaring gawin upang tumanggap ng Kaniyang pagtugon. Ngayon siyay malaya na upang mabuhay na isang bagong tao. Maaari din tayong makatiyak nang ganoon. Hindi natin kayang bayaran ang ating pagkakautang sa Diyos. Ngunit kung tayoy lumapit kay Jesus tulad ng babaeng ito, alam nating patatawarin at tatanggapin Niya tayong lubos. Sa nakaraang pag-aaral, pinag-usapan natin kung paano ito nagaganap dahil sa pagkamatay ni Jesus para sa atin. K. Ang Pagiging Kristiyano Ang makasalanang babae ay nagtungo kay Jesus at kinilala ang kaniyang pagkakasala. Pinagkatiwalaan Niya si Jesus na patawarin siya, at pinasalamatan Siya sa bagong buhay na Kaniyang kaloob. Dapat nating gawin ito kung nais nating magkaroon ng kapayapaan sa Diyos ngayon at magpawalang hanggan. Maaaring manalangin ka tulad ng sumusunod:
|
| Jesu Cristo | Ang Pelikulang Jesus | Ang Apat na Tuntunin | Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu | Mga Oportunidad | Mga Makatutulong na Impormasyon |
© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ
03/19/01