Tagalog sa Web mga ibang wika
Sumama sa milyun-milyong tao na nakakita na ng kaluwalhatian  ni Jesus, nakaranas na ng pagbabago ng pamumuhay,at nakatanggap ng buhay na walang hanggan kay Kristo.

 

Ang pelikulang JESUS
(Totoong Video)

Ang pelikulang JESUS ay isang natatanging pelikula, punung-puno ng drama. Ang masinsing pagbibigay atensyon upang ito'y maging malapit   sa pinakatamang interpretasyon ng Bibliya ay kahanga-hanga habang ikaw ay dinadala sa buhay at panahon ni JesuCristo. Ikaw ay tatahak sa mga lansangan ng kasaysayan. Mararanasan mo ang mga kamangha-manhang milagro at ikaw ay mahihipo ng kapangyarihan ng Diyos habang isinasabuhay ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng tao. 

Samahan ang milyun-milyong nakakita na ng kaluwalhatian ni  Jesus at   nakaranas ng malaking pagbabago sa kanilang buhay. Isinapelikula mismo sa Israel, ang JESUS ay magbibigay sa iyo ng karanasan na ikaw ay kasama sa paggawa ng kasaysayan.

Ang pelikulang JESUS ay higit pa sa isang kuwento. Halos lahat ng mga salitang sinabi ni Kristo ay hango mula sa Biblia sa Ebanghelyo ayon kay Lukas.  Ang dalawang oras na pelikulang ito ay hahamon  sa iyo.

Upang mapanood ang pelikulang JESUS, kailangang i-download ang RealPlayer sa  Progressive Networks (http://www.real.com/).

Nais mo bang umorder ng "JESUS" video?

Jesu Cristo

Sino si Jesus?

Ang Pelikulang Jesus Ang Apat na Tuntunin Ang Buhay Na Puspos ng Banal na Espiritu Mga Oportunidad Mga Makatutulong na Impormasyon

© 1998-2003 Philippine Campus Crusade for Christ

06/17/03